Ayaw ko nang maghintay sa taong parang patay.
Laging tahimik at walang imik.
Para akong tanga na umaasa
Sa taong hindi marunong magpahalaga
Nang nararamdaman nang iba.
Para akong maliit na damit na ipinipilit kahit masikip.
Akala ko pag-ibinigay ko sa'yo lahat nang gusto mo
Mamahalin mo 'ko kagaya nang pagmamahal ko sa'yo.
Pero hindi! Ako'y nagkamali!
Ginamit mo lang ako! Pampalipas oras mo!
Takbuhan mo pagnalulungkot ka!
Kinakausap pag nababagot ka!
Ayoko na!
Tama na!
Pagod na akong umasa
Sa taong may mahal palang iba.